#whogoat tuwing sumasakay ng jeep

05:19

Minsan hindi mo na kailangan ng taong magbibigay sayo ng advice tungkol sa pag-ibig at pakikipagrelasyon. Tumingin ka lang sa paligid at makikita mong may sinasabi sayo ang mga simpleng bagay na nakikita mo araw-araw.

Tulad ng mga simpleng pangyayari tuwing sumasakay ka ng jeep.

I. BARYA LANG PO SA UMAGA

-Ibig sabihin, kung nagsisimula pa lang ang relasyon niyo, huwag mo munang itodo. Huwag mo munang ibigay ang lahat lahat. Lalo na sa mga babae. Pag-ingatan muna ang iyong kayamanan. Dahil pag binigay mo lahat, malamang hindi ito masusuklian ng tama.

II. MAMANG DRIVER, PARA NA HO SA TABI!

-Lahat ng bagay ay may hangganan. Kahit pa sabihin mong ayaw mo pang bumaba dahil naeenjoy mo pa ang music, may mga bagay na hanggang dun na lang talaga. Para na. Tigil na.

III. KABIT

-Hindi lang sa jeep may kumakabit. Pati sa isang relasyon. Anong dapat gawin? Ilaglag! *joke*

IV. SIKSIK

-Para sa mga kabit, oo, alam kong may konting space pa sa jeep. Pero alam kong alam mo rin na pag ipinagsiksikan mo pa ang sarili mo, ikaw din ang masasaktan. Mahuhulog at mahuhulog ka lang sa kinauupuan mo.

Bakit mo pa ipagsisiksikan ang sarili kung may parating pa namang iba? Huwag kasi laging magmadali.

V. BASTA SEXY, LIBRE

-Walang koneksyon. Sadyang marami lang talaga ang manyak. Kaya mag-ingat ka.

VI. SA KALYE LANG ANG TINGIN

-Kung alam mong meron kang sakay, sa kalye lang tumingin ng di ka makadisgrasya. Tulad sa pag-ibig. Kung may syota ka na, focus lang sa kanya. Mamaya makasakit ka pa ng iba.

VII. STREET SIGN

-Street lights, U-turn sign, Right/Left turn, Slowdown, pedestrian lane...  Lahat ng mga iyan ay nakabalandra sa kalsada para gabayan ka. Tulad sa buhay at lovelife, maraming mga signs. Sadyang bulag o nagbubulag-bulagan lang ang iba kaya nagmumukhang tanga.

You Might Also Like

0 comments

Followers

Popular Posts

Like us on Facebook

Blogaholic Designs”=

Flickr Images