Who Says LOVE Hurts?

02:25

Sabi nila, pag inlab daw ang isang tao, palagi syang maganda/gwapo..palaging mabango. Parating may ngiti sa labi.

Pag inlab ka, pakiramdam mo lahat ng love songs ay sadyang sinulat para sa'yo.
Pero pag nasaktan ka, parang gusto mong sisihin sina Jolina Magdangal, Carol Banawa at Roselle Nava sa pagkanta nila ng Sana'y Kapiling Ka, Bakit Di Totohanin at Bakit Nga Ba Mahal Kita.
Kasalanan nga ba nila?

Pag tinititigan ka ng mahal mo, akala mo ay isa kang sorbetes na matutunaw na lang bigla.
Pagpapawisan ka at mako-conscious. Tapos sasabihin mong "wag mo nga akong tingnan ng ganyan." Aguy. Bien Babae. Pakipot.

Tutunog ang cellphone mo..Beep Beep 2x..(tunog sasakyan ah)
Bigla mo itong kukunin pero bago mo basahin ang message, mapapangiti ka muna.
Diba para ka lang tanga?

Kung hindi magtetext sayo, magtatampu-tampuhan ka.
Pero pag nagtext na, nakalimutan mo nang nagtatampo ka.
Landi agad. Maharot 'toh.

Pag sinabihan ka ng "Ang ganda/gwapo mo"..
Ang sagot mo ay "ows?talaga? Bola."
Pero sa loob-loob mo ay naabot mo na yata ang langit sa sobrang taas ng talon mo.

At dahil sa sobra mong kagalakan, nagawa mo na nga yata ang isulat sa papel ang pangalan niya at pangalan mo para gawin ang FLAMES, HOPE and CANDLE.
Tapos pag hindi sang-ayon sa gusto mo ang resulta, uulitin mo ito. Accepta ya lang.

Tapos habang kumakain ka ay bigla ka na lang mapapa-smile mag-isa.
Tatanungin ka ng magulang mo kung bakit ang sagot mo lagi ay wala.

Sabi nila, di na makakain, di pa makatulog.
Ganun nga siguro talaga yun.
Sa kakaisip mo sa kanya, malamang habang binabasa mo ito, siya rin ang naiisip mo.

At mapapaisip ka nga ngayon. Tapos sasabihin mong "Oo nga nuh?"
At mapapatawa ka.

Masaya ang ma-inlove --isa ito sa mga piiiiiiiiinakamasarap na pakiramdam na pwedeng maramdaman ng isang tao. Hindi puro sakit, hindi puro iyak.
Ika nga nila, Love makes the world go round.
Now who says Love hurts?
Mga BITTER lang.

You Might Also Like

5 comments

  1. Okay lang yan crush! hehe :) we're always here to listen to you! just a phone call away ;)

    ReplyDelete
  2. hahaha... your posts are really entertaining. Keep it up :D

    ReplyDelete
  3. Haha which part can you relate the most Monde Escudero?

    Jm Campos, thank you so much.. :)

    ReplyDelete
  4. Awww.. super agree with this Yuri! hehehe.. nakuu.. ang pagibig nga naman.. super gulo.. proomiiiseee.. O.o

    xoxo
    Rhea Bue (Styles & Writes)

    ReplyDelete

Followers

Popular Posts

Like us on Facebook

Blogaholic Designs”=

Flickr Images